Hindi magiging pahirapan ang biyahe ng mga essential workers papasok at palabas ng Metro Manila ngayong ibinalik na ang border control point.
Ito ang tiniyak ni National Task Force Against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit ng General Community Quarantine (GCQ) at ang muling pagsasailalim ng NCR sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula August 6.
Ayon kay Padilla, noon pa ay natukoy na kung sino ang mga Authorized Person’s Outside Residence (APOR).
Hinikayat naman ni Padilla ang mga pribadong kumpanya na tiyaking mayroong dokumento ang kanilang mga empleyado na lumalabas ng bahay upang magtrabaho.
Facebook Comments