Inanusyo ng lokal na pamahalaan ng Makati na ipasasara muna ang mga establisyemento na nag-o-operate sa gabi tulad ng mga bars, KTV bars at iba pang kaparehong uri ng negosyo.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ito ay bahagi na ipatutupad na curfew sa Makati mamayang alas-otso ng gabi.
Layunin nito, aniya, para maipatupad ng maayos ang social distancing sa kanyang lungsod.
Nilinaw ng alkalde na ang curfew ay para sa lahat, maliban sa mga nagtatrabaho sa call centers, health workers, at ilang mangagawa na nagbibigay ng serbisyo sa publiko, delivery worker at mga skeletal worker ng Makati City.
Sa kasalukuyan, ang Makati ay may labing-apat na nagpisitibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, dalawa naman ang namatay, 34 ang persons under monitoring (PUM) ay 52 naman ang persons under investigation (PUI).
Pero, aniya, hindi naman kasama ang exception of curfew:
Call center, health workers, traveling for medical, Meralco, tubig, delivering food and medicine, essential skeletal workers ng City Hall.