Mga establisyementong papayagan nang makapagbukas sa ilalim ng MECQ, inilabas na ng Malakanyang

Ipinaalala ng Malakanyang sa publiko ang transisyon na magaganap sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) tungo sa General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kapag ang isang lugar ay nasa ECQ, ang lahat ay kailangan na manatili sa loob ng kanilang tahanan.

Pero ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ang Metro Manila, mananatili pa rin ang 100% stay at home.


Habang hindi din papayagang lumabas ng bahay sa ilalim ng GCQ ang mga vulnerable, mga senior at mga kabataan.

Sa ilalim ng Modified ECQ, maliban sa agriculture, forestry, fisheries, manufacturing of essential goods, hospitals at clinics, essential services at iba pa; papayagan na rin makapag-bukas ang cement & steel corporation, mining, electronic commerce company, delivery services at export-oriented company.

Papayagan na rin ang real estate activities at iba pang sektor tulad ng beverages, electric machinery, wood products furniture, non-metallic product, machinery equipment, electrical equipment at iba pa pero 50% work from home at 50% on-site.

Maging ang mga bangko, money transfer services, microfinance institutions, pawnshops, capital markets ay papayagan na rin makapagbukas sa ilalim ng MECQ.

Sa ilalim naman sa GCQ, papayagan nang makapagbukas ang maraming establisyemento at makapag-operate ang ilang public transportation pero kailangan pa rin sumunod sa social distancing at ilang health protocols.

Facebook Comments