Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na ang sinumang hindi tatanggap o hindi kikilala sa Philippine Identification (Phil ID) card ay papatawan ng mabigat na parusa.
Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, pagmumultahin ng ₱500,000 ang sinumang hindi tatanggap o hindi kikilalanin ang Phil ID.
Para sa mga kawani ng pamahalaan na tatangging tumanggap ng Phil ID ay hindi na maaari pang makapagtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno, maging sa government owned and controlled corporations (GOCCs).
Hinihikayat ng DILG ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang LGUs o magparehistro online para makakuha na sila ng kanilang national ID.
Ang Philippines Statistics Authority (PSA) ay maglulunsad ng digital authentications at Electronic Know Your Customer (e-KYC) gamit ang fingerprint, iris, facial, SMS-based One Time Passwords o demographic verification bago magtapos ang taon.