Mga establisyimento, babantayan na rin ng DOLE online

Patuloy na imo-monitor online ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga iba’t ibang establisyimento para matiyak na nasusunod ang health protocols at labor laws.

Ayon kay Labor Undersecretary Ana Diones, nag-develop ang ahensya ng isang online program para bantayan ang pagsunod ng mga privates companies sa labor laws at iba pang patakaran na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

Ang system ay binubuo ng Labor Inspection-Management Information System (LI-MIS), Establishment Report System at Joint Monitoring System.


Ang mga nasabing sistema ay gagamitin ng labor inspectors sa pagmo-monitor ng pagtalima ng private establishments at ma-access ang digital check-list at note compliances at deficiencies.

Dito rin ipapasok ang real-time data gamit ang portable electronic device na may internet connection.

Aabot sa 196,670 establishments ang nakarehistro sa data ng LI-MIS.

Facebook Comments