Mga establisyimento, bukas pa rin sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi kasama ang mga establisyemento sa mga isasara sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, mga komunidad at bahay-bahay lamang ang sakop ng granular lockdown.

Nilinaw naman ni Malaya na desisyon ng alkalde ng lungsod at hindi ng barangay kung anong mga lugar ang isasailalim sa lockdown sa tulong ng City Health Office.


Kahapon ang unang araw ng pagpapatupad ng bagong alert level system sa Metro Manila kung saan batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) ay naging general peaceful ito.

Nasa 54 na barangay ang naka-granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng granular lockdown, apektado ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) na hindi makakapasok sa trabaho ng dalawang linggo.

Facebook Comments