Mga estudyante, guro at magulang na umano’y nalason sa kinaing ginataan, nasa maayos nang kalagayan

Nasa ligtas nang kalagayan ang mga estudyante, guro at magulang na pinaghihinalaang nalason habang nasa camping sa Bud Datu, Barangay Tagbak sa Indanan, Sulu kahapon.

Sa panayam ng RMN Zamboanga sa Sulu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, halos 100 ang isinugod sa magkakahiwalay na ospital sa probinsya matapos na makaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Bagama’t pare-pareho nang naranasan ang mga biktima ay hindi pa rin makumpirma kung nalason nga ang mga ito sa kinaing ginataan na inihain sa huling araw ng Boy Scout at Girl Scout camping. via Radyoman Mirasol Monteza


Facebook Comments