Mga estudyante na lumipat mula sa pribadong paaralan papuntang pumpublikong eskwelahan, nadagdagan pa ayon sa DepEd

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na nadagdagan pa ang bilang ng mga estudyante na nag-transfer para sa pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.

Base sa datos ng Department of Education simula July 30 hanggang September 28, 2020, umabot sa 429,012 ang total na nag-transfer mula private school sa public school kasama na ang Local State Universities and Colleges.

Paliwanag ng DepEd, 262,515 sa bilang na ito ay Elementary, 114,150 sa Junior High School, 45,253 sa Senior High School at 7,094 naman ang Learners with Disabilities kung saan umabot naman sa 24.6 million ang nakapag-enroll para sa School Year 2020 to 2021 o katumbas na ito ng 88.8 target para sa enrollment.


Matatandaan na umabot sa mahigit 800 mga pribadong paaralan sa buong bansa ang hindi muna makakapag-operate ngayong School Year 2020 to 2021.

Facebook Comments