Sa ilalim ng direktang pamumuno ni Mayor Adrian Leandro Tio, ipinaabot ng Local Government Unit ng Luna ang kanilang tulong sa mga estudyante na apektado ng pagkasira ng Lalog Bridge sa pamamagitan ng paghatid-sunod sa kanila mula sa baybayin ng ilog patungo sa paaralan.
Simula ngayong araw, Nobyembre 22, 2022 ay di na proproblemahin ng mga estudyante mula sa Brgy. Macugay, Brgy. San Isidro at Brgy. Sto. Domingo ang kanilang pagpasok sa paaralan.
Matatandaan na tuluyan nang nasira ang Lalog Bridge noong kasagsagan Bagyong Paeng noong Oktubre.
Bumagsak ang halos isang daang metro na gitnang bahagi ng tulay dahil sa malakas na agos at mataas na lebel ng tubig bunsod ng nagdaang bagyo.
Ang Lalog Bridge ay mayroong kabuuang 320 linear meters na kumokonekta sa mga nasabing barangay.
Dahil sa pagguho nito ay totally closed na ang tulay at di na madaanan kung kaya’t kinakailangan pang umikot sa bayan ng Aurora at Cabatuan ang mga apektadong residente na magtutungo sa bayan ng Luna.
Facebook Comments