Dipolog, Philippines – Sumailalim kamakailan sa isang orientation ang mga estudyante na nakabenepisyo sa Special Program for the Employment of Students (SPES) sa siyudad ng Dipolog.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Dipolog City Mayor Darel Dexter Uy at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Uy, malaking tulong para sa kanilang mga mag-aaral ang matatanggap na sweldo mula sa 20 araw na pagtatrabaho para sa darating na pasukan.
Ayon naman kay Gianni Guiseppe Corpuz ng DOLE Provincial Office, na ngayong taon mas pinalawak pa ang coverage para sa nasabing programa dahil mula sa 15 anyos hanggang sa 30 anyos na ang edad ng isang estudyante na pwedeng mag-apply.
Napag-alaman na mayroong aabot sa 144 na mga estudyante ang nakabenepisyo sa spes program ng DOLE at ng pamahalaang lokal ng Dipolog na nagmula sa iba’t ibang barangay sa siyudad.