Mga Estudyante ng CSU, Wala Nang Pasok – Pres. Tejada

Cauayan City, Isabela – Pormal nang nagdeklara si Cagayan State University (CSU) President Dr Urdujah A. Tejada na wala nang pasok.

Ayon sa tagapangulo ng CSU, hindi na kailangang bumalik ang mga estudyante para tapusin ang kainilang mga naiwang asignatura at mga requirements.

Ito ay bilang pagsunod sa alituntunin na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan ang mga tertiary schools sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na buksan at tapusin ang mga Gawain na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Dagdag pa ni Dr Tejada na tanging ang mga estudyanteng kumukuha ng licensure courses ang pinapayagang bumalik sa unibersidad para kumpletuhin ang kanilang degrees.

Napag kasunduan na rin aniya na kailangang ipatimo ng faculty members sa mga mag aaral ang kahalagahan sa pagsunod protocols at guidelines na itinakda para sa (ECQ).

Para mga estudyanteng may mga backlogs o hindi natapos na requirement ay bibigyan sila ng sapat na panahon na makumpleto ang mga ito.

Hindi umano sila bibigyan ng bagsak o hindi kumpletong grado.

Sinabi pa ni Dr Tejada na ikinukonsidera na nilang compliant at tapos na ang mga estudyanteng nasa ilalim ng on-the-job trainings, apprenticeships, exposure programs at iba pang off-campus activities.

Siniguro din ni Tejada na ang mga graduates sa May 2020 ay kasali pa rin sa rooster of graduates.

Facebook Comments