Friday, November 13, 2026

Mga estudyante ng UP Diliman, nag-walk out sa klase para kundinahin ang nakaambang pagtatayo ng Pax Silica sa bansa

Nag-walk out sa klase ang mga estudyante ng University of the Philippines-Diliman ngayong Biyernes ng umaga para magpahayag ng pagtutol sa Pax Silica agreement at sa pagdating ni US President Donald Trump sa bansa para sa ASEAN Summit.

Dala ng mga estudyante ang mga banner at placards na nagpapahayag ng pagtutol sa Pax Silica at pagpapalayas kay Trump.

Maliban sa nasabing aktidad, maglulunsad din ng apat na araw na kampuhan sa Vinzons Hall, UP Diliman ang mga estudyate, kasama ang mga magsasaka at Ayta Community mula sa Central Luzon, simula ngayong Biyernes, November 13 hanggang sa Lunes, November 16.

Ayon sa mga estudyante, magsisilbing space para sa solidarity-building, diskusyon, at kolektobong aksyon ng mga estudyante, magsasaka, at indigenous community, bilang pagtutol sa land grabbing mga banta mula sa itatayong Pax Silica.

Facebook Comments