Friday, November 13, 2026

Prosekusyon, pwede pang talakayin ang dollar accounts ni VP Sara sa pamamagitan ng rebuttal

Nilinaw ng Senate Impeachment Court na maaari pa rin nilang talakayin ang dollar accounts ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Kung matatandaan kahapon ay hindi pinahintulutan ni presiding officer Chiz Escudero ang pagtalakay sa naturang dollar accounts dahil hindi ito kasama sa pina-subpoena, hindi rin natalakay sa Impeachment Court at ayaw rin pangunahan ang ihaharap na testigo ng depensa.

Ayon kay Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, sa pamamagitan ito ng rebuttal evidence na pwede rin namang salagin ng defense team ng vice president sa pamamagitan ng sur rebuttal.

Sa proseso, isinusumite ang rebuttal evidence para sa bagong impormasyon na lumutang sa gitna ng presentasyon ng isang panig sa paglilitis at saka naman magpapasya ang korte kung ito ay tatanggapin.

Facebook Comments