Mga estudyante ng UP, magkakasa ng rally kontra sa police at military intervention

Magsasagawa ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP) ng malawakang protesta para kondenahin ang mga banta sa kanilang academic freedom.

Ayon sa UP Office of the Student Regent, idineklara ang August 20 bilang “UP Day of Walkout and Action” para tutulan ang police at military intervention sa kanilang unibersidad.

Base sa memo na nilagdaan ni student regent John Isaac Punzalan – ang UP ay kasalukuyang target ng mga pulis at sundalo.


Magreresulta ito ng massive surveillance at monitoring sa mga mag-aaral, miyembro ng faculty at mga opisyal.

Giit ni Punzalan – ang campus militarization at katumbas ng martial law sa kanilang unibersidad.

Hinihimok nito ang lahat ng estudyante, student councils, organizations at grupo na sumama sa kilos protesta.

Facebook Comments