Sundalo-Patay, 2 Sugatan sa Salpukan ng 2 Sasakyan!

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang sundalo habang dalawa ang sugatan sa nangyaring salpukan ng dalawang sasakyan bandang 4:30 kaninang madaling araw sa pambansang lansangan ng Bry Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Staff Sergeant Magno Taguitag, 38 anyos, tubong Kalinga at naka base sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela habang kinilala naman ang kasama rin nitong sundalo na si Rommel Gamboa, 28 anyos na taga Putik, Zamboanga City.

Sa impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang binabaybay ng mga biktima ang naturang lansangan patungong South direction lulan ang isang Hi-ace van na may plakang RFV 729 na minamaneho ni SSgt. Taguitag nang aksidenteng sumalpok sa Isuzu aluminum wing van truck na may plakang RKV 591 na minamaneho naman ng suspek na si Antonio Pero, 38 anyos, at residente ng Guibel, San Jacinto, Pangasinan.


Agad na dinala ng rumespondeng DART 831 ang mga biktima at suspek matapos na magtamo ng mga pinsala sa kanilang katawan subalit idineklarang Dead on Arrival si SSgt. Taguitag.

Patuloy pa rin sa ngayon ang imbestigasyon ng PNP Gamu hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments