Maaari pang humabol sa enrollment ang mga estudyante sa pampublikong paaralan hanggang Nobyembre.
Ayon kay Departmrent of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, puwedeng humabol sa enrollment ang mga bata kahit magsimula na ang klase sa Oktubre 5, 2020 basta makapasok ito sa 80% ng required na school days.
Aniya, kailangan ding magawa ng late enrollees ang quarterly requirements para pumasa sa grade level.
Sa tala ng DepEd, umabot na sa 24.3 milyon ang bilang ng estudyanteng nakapag-enroll na sa mga pribado at pampublikong paaralan at sa Alternative Learning System (ALS).
Nasa 22.2 milyon dito ang naka-enroll sa pampublikong paaralan habang 2.02 milyon sa pribadong eskwelahan.
Facebook Comments