Mga estudyante, tinuruan ng DTI Rizal kung papaano magsimula ng tamang negosyo

Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 4A na malaking tulong ang Youth Entrepreneurship Program para sa mga estudyante na mahubog ang kanilang kakayahan na lumikha ng sariling trabaho sa kanilang kinabukasan.

Ayon kay DTI Region 4A Director Marilou Toledo, naging matagumpay ang isinagawang webinar sa Youth Entrepreneurship Program sa pamamagitan ng Negosyo Center Binangonan.

Ipinaliwanag dito ni Toledo ang kahalagahan para sa mga kabataan na matutong magsimula ng sariling negosyo kung saan ibinahagi nito ang tinatawag na 7Ms para itaas o iangat ang Micro, Small and Medium Entrepreneurs.


Hinikayat din ng DTI Rizal ang mga estudyante na pumasok sa negosyo at huwag matakot sakaling bumagsak bagkus pag-aralan nang mabuti kung ano-ano ang mga dahilan ng kanilang mga naging kabiguan sa negosyo.

Facebook Comments