Mga estudyanteng dayuhan sa medical school ng ilang State Universities and Colleges, pinuna ng mga senador

Kinastigo nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Imee Marcos, Cythia Villar at Sherwin Gatchalian ang pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa medical schools ng ilang State Universities and Colleges (SUCs) na pinopondohan ng pera ng taumbayan.

Sa budget hearing ng Senado ay sinabi ni Commission on Higher Education o CHED Chairman Prospero de Vera, na tutol siya rito pero pinapayagan ng Board of Regents ng ilang SUCs.

Katwiran ng mga senador, hindi katanggap-tanggap na may foreign students na nakakakuha sa oportunidad at pasilidad na para sa mga Pilipinong estudyante lang dapat.


Anila, limitado lang din ang kapasidad ng mga SUCs kaya dapat matiyak na hindi dayuhan ang makikinabang dito.

Facebook Comments