Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong partido ng Manggagawang Pilipino na kulang ang nalilikhang trabaho sa Pilipinas.
Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng grupong ‘aspiring minds’ na higit kalahati ng mga nagtatapos na mag-aaral ang hindi kwalipikado para sa mga trabahong kanilang inaaplayan.
Sa interview ng RMN sa chairman ng grupo na si Rene Magtubo – sobra-sobra ang mga mag-aaral na gumagraduate pero kulang ang mga available na trabaho para sa kanila.
Mungkahi pa ni Magtubo, magkasa pa ang pamahalaan ng mga programa at pagsasanay para sa mga mag-aaral.
Hangga’t bata pa ay turuan na ang mga bata na pumili na ng kanilang kursong nais nilang kunin.
Facebook Comments