Mga estudyanteng kumukuha ng medical course, hindi pipiliting pumasok sa mga eskwelahan – CHED

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na boluntaryo at hindi pipilitin ang mga estudyanteng may kursong medisina na pumasok sa eskuwelahan matapos payagan ang limitadong face-to-face classes.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, tanging ang mga higher education institutions sa medicine at allied health sciences sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ areas ang pinapayagan na bumalik sa face-to-face classes.

Aniya, tanging edad 20 pataas o ang mga nasa third at fourth year lang ang papayagang makapasok dito.


Bukod dito, kailangan din aniya mag-apply ng mga paaralan sa CHED.

Ang mga estudyante naman na ayaw mag-face-to-face ay kailangan bigyan ng alternatibo ng mga pamantasan kung kaya’t sila ay dapat magkaroon ng konsultasyon sa kanilang mga estudyante at mga magulang.

“Hindi papayagan ang eskwelahan na magbukas ng limited face-to-face kung hindi nila ito naisasanguni at hindi sila umuupo sa local governments dahil iyong labas ng eskwelahan ay jurisdiction ng local governments iyan.” ani De Vera.

Tiniyak naman ni De Vera na pansamantalang isa-shut down ang paaralam sakaling may maitalang kaso ng COVID-19 na may kaugnayan sa pagdalo ng face-to-face sessions.

Facebook Comments