Mga estudyanteng mapapatunayang supporter ng NPA, aarestuhin at tatanggalan ng scholarship ng gobyerno

Manila, Philippines – Hindi rin pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng sasama sa mga kilos-protesta laban sa gobyerno.

Sa ambush interview sa Malacañang, binigyang-diin ng pangulo na hindi naman krimen ang pagpapahayag ng opinyon o saloobin sa pamamagitan ng rally.

Pero kapag napatunayang sumusuporta ang mga ito sa New People’s Army, tiniyak ng Pangulo na matatanggalan sila ng scholarship at ipaaresto niya ang mga ito.


Una nang binara ng Malacañang ang pahayag na ito ng NYC Chairman at iginiit na ang pagsama sa rally ng mga estudyante ay bahagi ng karapatan nila sa freedom of expression at freedom of assembly.

Facebook Comments