Friday, January 23, 2026

Mga ethics complaint sa Senado, dadaan sa tamang proseso

Dadaan sa tamang proseso ang pag-aksyon ng Senado sa mga ethics complaint na inihain laban sa ilang senador.

Ito ang tugon ni Senate President Tito Sotto III sa planong paghahain ng ethics complaint ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa hindi pagpasok sa Senado.

Ayon kay Sotto, kahit sinong mamamayan ng bansa ay maaaring maghain ng reklamo kahit sa sinong senador.

Kailangan lamang aniyang iproseso ito nang naaayon sa senate rules.

Dagdag ni Sotto, agad namang mag-a-update ang Chairman ng Committee on Ethics na si Senator JV Ejercito kapag nabasa na sa plenaryo at na-i-refer na ang reklamo sa komite.

Sa ngayon ay hindi pa makausad ang mga reklamo laban sa mga senador na nakahain sa Ethics Committee dahil tanging si Ejercito pa lamang ang nasa komite at wala pang mga myembro.

Facebook Comments