Manila, Philippines – Pinasasala ngayon ni House Defense Committee Senior Vice Chairman Ruffy Biazon ang mga evacuees sa Marawi City.
Ito ay para hindi hindi makahalo sa mga bakwit ang mga miyembro ng Maute Group.
Ayon kay Biazon dapat na magsagawa ng profiling sa mga evacuees sa Marawi dahil na rin sa mga ulat na inabanduna na ng Maute ang kanilang posisyon sa lugar ng labanan at humalo na sa mga sibilyang residentse.
Dapat din aniyang may sistema ang gobyerno para sa screening ng mga evacuees upang hindi malusutan ng mga terorista.
Pinakikilos ng mambabatas ang PNP dahil expertise nito ang mag-screen ng mga sibilyan.
Kailangan anyang maisailalim sa profiling at interview ang bawat evacuee bago ito ituring ng pamahalaan na lehitimong bakwit.
Bukod dito, ipinasasalang din ni Biazon sa paraffin test ang mga evacuees upang malaman kung nagpaputok ng baril ang mga ito.