MGA FARMER-ENTREPRENEURS SA ALAMINOS CITY, SUMAILIM SA ISANG SEMINAR PARA SA PAGPAPATAAS PA NG KAALAMAN SA AGRIKULTURA

Isa sa mga nangunguna sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng tao sa pagkain ay mula sa mga magsasaka at at mangingisda sa ating bansa kaya naman nararapat lamang na mabigyan sila ng karampatang atensyon at mga programa na makapagpapa-angat pa sa kanilang sektor.
Kamakailan ay sumailalim ang mga farmer-entrepreneurs mula sa Alaminos City sa isang agri-seminar na bahagi ng Agr-Trade Expo 2023.
Sa seminar na ito ay tinalakay ay mga usapin ukol sa tamang pag-aalaga ng mga hayop at palay para sa mas masaganang ani at para rin ay mapataas pa ang kita ng mga farmer-entrepreneurs sa naturang lungsod.

Ang seminar naman na ito ay pinangunahan ng ilang mga inkorporasyon tulad ng Ro-Ann Veterinary Manufacturing Inc., SL Agritech Corporation at Long Ping Tropical Rice Development Inc. na ginanap sa Plaza Marcelo Ochave. |ifmnews
Facebook Comments