Bawas presyo ng produktong petrolyo, ikinagalak ng mga jeepney driver

Ikinatuwa ng mga jeepney driver ang panibagong bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw.

Ito na kasi ang ikatlong linggong sunod na may rollback sa presyo ng diesel habang ikalawang linggong sunod naman na may rollback sa presyo ng gasolina.

Ayon sa mga tsuper sa Marcos Highway, malaking tulong ang P1.30 na bawas sa kada litro ng diesel.


Kung susumahin kasi, sa loob ng tatlong linggo ay P3.25 kada litro na rin ang nabawas sa presyo ng diesel.

Paliwanag ng mga tsuper, mas ginaganahan sila ngayong bumiyahe, nais kasi nilang samantalahin ang pagkakataon para kumita.

Umaasa silang masusundan pa ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Facebook Comments