Binigyang parangal ang mga farmers-cooperators at agricultural technicians sa Mangatarem sa ginanap na Search for Highest Yielder Wet Season 2022.
Sa pakikipagtulungan ng SL Agritech Corporation, ang Mangatarem Department of Agriculture, LGU Mangatarem, at Municipal Agriculturist, Benito Jazmin ay naisakatuparan ang pagsasagawa ng Awarding Ceremony.
Ang paghahanap, kasama ang Vision ng Kumpanya: “Agri-Technology for Mankind”, ay naglalayong malampasan ang Average na ani ng palay ng munisipyo at Palakihin ang ani ng mga kalahok ng magsasaka gamit ang SL-8H super hybrid rice seeds.
Ang grand winner na farmer-cooperator ay ginawaran ng plaque of recognition at tumanggap ng tatlumpung libong piso habang twenty thousand pesos naman ang mentor nito.
Ang pangalawa at pangatlong puwesto naman at lahat ng mga kalahok sa paghahanap ay ginawaran din.
Ginanap naman ang awarding ceremony sa Caoayan Kiling, San Carlos City, Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments