Manila, Philippines – Hinimok ngayon ni Angkla Partylist Rep. Jess Manalo ang pamahalaan na bigyan ng mga magagaling na abogado ang mga Filipino crew ng ACX Crystal na bumangga sa US Navy ship na USS Fitzgerald sa
Japan na ikinasawi ng pitong US Servicemen.
Ayon kay Manalo, dapat na bigyan ng mga private lawyer na eksperto sa maritime law ang dapat ibigay sa dalawampung pinoy crew nito.
Ipinauulat din sa Department of Foreign Affairs at sa manning agency ng mga Pinoy crew ang takbo ng imbestigasyon sa kaso.
Hinikayat din nito ang DFA, Marina, at Department of Labor and Employment na magtulungan para matugunan ang pangangailangan ng nga Pinoy crew ng bumanggang barko.
Partikular na ipinaaalam kung paano nangyari ang banggaan at kung ano ang ginagawa ng mga tripulante ng mga nasabing barko ng maganap ang insidente
Nagpahayag ng pagkabahala ang mambabatas sa imbestigasyong isinasagawa ng Japanese authority, US Navy at US Coast Guard upang malaman ang buong katotohanan sa insidente.