Mga firecracker related na sunog, tumaas ngayong taon kumpara noong 2023 – BFP

Tumaas ang bilang ng insidente ng sunog ngayong taon kumpara noong 2023.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mula January 1 hanggang December 30, 2024, nakapagtala ito ng 18,217 na mga sunog na sanhi ng paputok at pailaw.

Mas mataas ito ng 11.2% kung ikukumpara sa higit 16,387 na sunog na naiulat noong nakaraang taon.


Patuloy ang paalala ng BFP sa publiko na panatiling ligtas ang pagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon para makaiwas sa anumang sakuna.

Una nang pinakiusapan ng BFP ang publiko na iwasan ang paggamit ng iligal at mga mapanganib na mga paputok upang maging ligtas sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Facebook Comments