Mga “first responders” noong pananalasa ng bagyong Yolanda, kinilala

Binigyang pagkilala ni House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ang mga “first responders” na matatapang na sumaklolo sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas walong taon na ang nakalilipas.

Ang pagkilala ay bunsod na rin ng ika-walong taong paggunita ngayong araw ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Inalala ng chairman ng Committee on Rules ang hirap at sakit na dinanas ng mga taga-Tacloban at ng ibang probinsya sa Visayas sa pananalasa ng bagyo.


Hindi aniya kailanman makakalimutan ang mga buhay na nawala gayundin ang katapangan at buong pusong pagtulong lalo na ng mga unang rumesponde para umalalay sa kanilang mga kababayan.

Ang mga Romualdez ang ilan sa mga pangunahing may-akda ng panukala na nagtatatag ng Department of Disaster Resilience na unang nakapasa na sa Kamara habang ito ay nakabinbin pa sa Senado.

Ipinanawagan din ng mga kongresista ang agarang pagsasabatas ng panukala upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na pinsala na dinanas ng mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Facebook Comments