Nag-iingat ang mga mangingisda at fish vendors sa Dagupan City matapos ang nangyayaring fish kill kung saan daan daang kilo ng ilang isda ang namatay at hindi na maaaring ibenta.
Ang fish kill o tangok sa Pangasinense ay ang bunga ng nararanasang sobrang init ng panahon sanhi ng kakulangan ng oxygen ng mga isda kaya’t namamatay ang mga ito at nagsisipaglutangan sa mga kailugan at may mabahong amoy.
Nakumpiska kamakailan din ng City Agriculture Office ng lungsod ang nasa 239 na kilo ng isdang malaga at ibebenta sana sa fish market.
Paalala sa publiko na hindi ligtas ang pagkain ng mga ganitong isda kaya naman nakaantabay alinsunod dito ang Task Force Bantay Ilog ng lungsod upang patuloy na imonitor ang kalagayan ng mga isda at kung iaangkat ito upang maibenta sa mga pamilihan.
Nag-iingat naman ang mga fish vendor at mangingisda dahil kanila rin umanong kawalan ito at magiging malaking kabawasan sa kanilang pagkakakitaan.

Facebook Comments