SCHOLARSHIP GRANT PARA SA SECOND SEM NG MGA SCHOLARS SA DAGUPAN CITY, NATANGGAP NA

Natanggap na kahapon araw ng Lunes, May 22, ng mga kwalipikadong scholars ng Dagupan City ang scholarship grant na nakalaan para sa kanilang 2nd sem ngayong taon.
Nasa higit pitong daan o kabuuang 759 ang bilang ng kumpirmado at nakatanggap ng nasabing grant base sa listahan ng pangalanan na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Matatandaan na dumaan sa mabusising proseso ang mga dokumento na isinumite ng mga kabataang Dagupeno at tiniyak na kumpleto ang mga ito sa kinakailangang requirements upang mapabilang sa mga kwalipikadong scholars sa lungsod.

Samantala, kaugnay pa rin sa scholarship, ilang mga magulang ng mga bagong nag-apply sa Scholarship Program ay patuloy na inaasahan at naghihintay ng updates ukol dito. |ifmnews
Facebook Comments