MGA FISHERFOLKS BENEFICIARIES NG CASH FOR WORK SA ALAMINOS, NAKATANGGAP NA NG KANILANG SAHOD

Tinanggap ng mga Fisherfolk beneficiaries ng Cash for Work ang kanilang sahod mula sa sampung araw na pagtatrabaho sa Mangrove Park sa ginanap na Risk Resiliency Program Climate Change Adaptation & Mitigation Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR) Cash for Work Payout.
Pinangunahan ang payout na ito ng Department of Social Welfare and Development Office, Provincial Government of Pangasinan at ang Lokal na Gobyerno ng Alaminos.
Nakibahagi din sa nasabing payout ang City Agriculture Office.

Ipinapaabot naman ni Mayor Arth Bryan Celeste ang pakikiisa nito sa aktibidad na sa pamamagitan ni City Cooperatives Officer Solomon Tablang. |ifmnews 
Facebook Comments