Mga flight sa NAIA, ‘hold’ dahil sa technical problem

Ilang international at domestic flights ang hindi makalipad at hindi makalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1,2,3 at 4 ngayon dahil sa aberya sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa statement ng CAAP, kinumpirma nito na partikular na nagkaroon ng problema ang kanilang Air Traffic Management Center.

Ayon sa CAAP, nagkaroon ng problema ang software ng kanilang Air Traffic Management Center.


Sa ngayon, wala pang kabuuang bilang ng mga apektadong international at domestic flights.

Facebook Comments