Mga food pack, nakarating na sa mga apektado ng bagyo ayon sa Malacañang

Pinatiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nasa typhoon hit areas na ang mga kailangang food at non-food items bago pa man dumating ang inaasahang bagyo sa bansa gaya ng Bagyong Egay.

Ito ang inilabas ng marching order ni Pangulong Marcos sa concerned government agencies na may ginagampanang mahalagang papel sa ganitong panahon ng kalamidad.

Kinakailangan ayon sa pangulo na mauna nang mai-transport sa mga lugar na hinahagupit ng bagyo ang mga kailangang pagkain at gamit ng mga apektadong residente.


Sinabi ng pangulo, ginawa na ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga Lugar na nasa Cagayan Valley at ilang area sa Northern Luzon kung saan nananalasa ang Super Typhoon Egay.

Kaugnay nito’y una nang naipamigay ng ahensya ang may 80,000 hanggang 100,000 ng 1.3 million food packs sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Facebook Comments