Mga Football team ng Pilipinas, wagi sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games

Sports – Naging masaya ang kampanya ng Team Pilipinas sa pagsisimula ng football competitions sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Parehong nanalo kasi ang men’s at women’s team ng bansa pagkalipas ng ilang taon din ng pangungulelat.

Tinalo ng men’s team ang paboritong Cambodia, 2-0 sa goal nina Reymart Cubon at Kou Ichi Belgira para sa full three points.


Hindi rin nagpahuli ang women’s national team nang maungusan ang host Malaysia, 2-1.

Umiskor si Camille Rodriguez sa 74th minute para ibigay ang panalo sa Pilipinas.

Ito ang unang panalo ng women’s team sa SEA Games simula pa noong 2005.

Facebook Comments