Mga foreign player, limitado na ang paglalaro sa NCAA

Manila, Philippines – Dalawang taon na lamang puwedeng maglaro sa National Collegiate Athletic Association ang mga dayuhang manlalaro ng mga kasaping eskuwelahan.

Ayon kay Frank Gusi, athletic director ng season 95 host ng Perpetual Help Dalta System, hanggang Season 95 na lamang puwedeng maglaro ang mga foreign player base na rin sa desisyon ng NCAA Management Committee.

Dahil dito apektado sa bagong ruling ang ilang mga dayuhang manlalaro gaya ni Nigerian Tobal Eugene ng defending champion San Beda Red Lions.


Kasama rin sa naging desisyon ng NCAA Man Com ay ang pagiging mandatatory na ang pagkakaroon ng mga volleyball team ng mga member schools.

Facebook Comments