Dapat buksan ng mga dayuhang barko ang kanilang identification system kung nais nilang makadaan sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaboy ang mga foreign vessel na dumadaan sa territorial waters ng bansa na walang paalam.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – ang mga barko ng ibang bansa ay kailangang mag-abiso sa ating gobyerno para payagang makadaan.
Aminado si Nograles na isang hamon ang bagong direktiba ng Pangulo, pero ipinauubaya na nila ito sa security forces para ipatupad ito.
Facebook Comments