Mga freelancers, pinabibigyang proteksyon ng Senado

Pinabibigyang proteksyon ng Senado ang karapatan at kapakanan ng mga “freelancers” sa buong bansa.

Tinukoy ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na dahil sa mabilis na paglago ng “gig economy” at sa malaking tsansa na maabuso ang mga freelancer workers dahil sa kakaibang sitwasyon sa kanilang trabaho ay iginiit ng senador na mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawa ng sektor sa pamamagitan ng paglikha ng bagong batas.

Sa Senate Bill 136 o Freelancers Protection Act ni Villanueva ay tinitiyak ang pagbibigay sa mga freelance workers ng tamang sahod, ligtas at maayos na kondisyon sa trabaho at ang karapatan na makapag-organisa at collective bargaining.


Nakasaad din sa panukala ang karapatan ng mga freelancers sa edukasyon at mga pagsasanay katuwang ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno.

Binibigyang mandato rin sa panukala ang pagkakaroon ng freelancer at kliyente nito ng kasulatan na naglalaman ng lahat ng serbisyong ibibigay ng freelancer, bayad, gayundin ang iba pang itinatakdang kondisyon sa kasunduan.

Facebook Comments