Undersecretary Leocadio Sebastian, nagbitiw na sa pwesto matapos na humingi ng apology kay Pangulong Marcos Jr., sa pagpirma nito ng Sugar Order No. 4 nang walang pahintulot

98

Umalis na sa kanyang pwesto bilang Undersecretary for Operations at Chief of Staff ng Department of Agriculture (DA) si Leocadio Sebastian.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles makaraang ihayag ng Malacañang na siya ay iniimbestigahan matapos na iligal na pirmahan ang resolusyon na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ayon kay Atty. Angeles, tinatanggap daw ni Sebastian ang anumang consequences dahil sa kanyang ginawang pagpirma sa Sugar Order No. 4 na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sa isang pahinang page letter na may petsang August 11, sinabi ni Sebastian na inaako niya ang mga consequences sa kanyang mga naging aksyon.

Facebook Comments