Mga frontliner, nagpakita ng buong suporta sa vaccination efforts ng gobyerno

Inilunsad ngayong araw ang isang rainbow alliance ng mga frontliners sa pangunguna ng Philippine Medical Association (PMA) para suportahan ang gobyerno na mapawi ang pag-aatubili ng mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19 .

Target ng PMA na gawing bakunado ang nasa 70-M na mga Pilipino at ang mahigit isang milyong health workers.

Sa kaniyang mensahe sa isinagawang virtual ceremony, nanawagan si Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa health alliance na ipakalat na ligtas at epektibo ang mga COVID vaccine.


Sumentro naman ang mensahe ni Dr. Bu Castro, sa usapin ng pananagutan ng mga makikibahagi sa vaccination at ang kahalagahan ng tinatawag na vaccination digital card.

Pinangunahan naman ni Dr. Benny Atienza, pangulo ng PMA, ang panunumpa para masuportahan ang kilos gobyerno sa inaasam na herd immunity sa bansa.

Facebook Comments