Mga frontliner sa bansa nakikipaglaban sa COVID-19, binigyan ng pagpupugay ngayong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, binigyang-pugay ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines ang mga magigiting na mga frontliner na walang takot na humaharap sa pandemiya dulot ng COVID-19.

Sa kanilang mensahe, kapwa nangako sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr. sa sambayanang Pilipino na hindi pababayaan ang lahat ng mamamayan ng bansa sa kabila ng iba’t-ibang pagsubok.

Binigyan diin ng dalawang opisyal na ang mga doktor, nurse, at iba pang mga health workers ay pawang mga sundalo rin na dapat na bigyan ng saludo at pagpupugay sa panahon ito kung saan mayroong kakaibang digmaan na kinakaharap ang bansa.


Samantala, sa interview ng RMN Manila kay National Historical Commission of the Philippines Deputy Executive Director for Administration Carmina Arevalo, sinabi nito na tulad ng paglaya sa mga mananakop, hinimok nito ang sambayanang Pilipino na ipanalangin ang paglaya ng bansa sa COVID-19.

hinimok din ni Arevalo ang mga kabataan na balikan ang kasaysayan ng bansa upang malaman ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay.

Facebook Comments