Mga frontliners na nasa ilalim ng DOTr, makatatanggap ng libreng face shield ayon kay Sec. Tugade

39
DOTr PHOTO

Nagpaabot ng pasasalamat si Transportation Secretary Arthur Tugade kay Drivers United for Mass Progress and Equal Rights – Philippines Taxi Drivers Association (DUMPER-PTDA) Partylist Congresswoman Claudine Diana Bautista dahil sa ibinigay nitong face shield sa ahensya.


Ayon kay Tugade, ang mga face shield ay ilalaan para sa mga frontliner na patuloy na naghahatid ng serbisyo publiko sa kabila ng banta ng kasalukuyang pandemya.

Kaya naman ipamamahagi ito sa mga bus driver at uniformed personnel escorts, kabilang na ang mga officer mula sa Land Transportation Office (LTO) at Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT), na nakatalaga sa apat na staging areas ng Free Ride for Health Workers Program ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay napakalaking tulong aniya sa mga frontliners upang matiyak ang kanilang kaligtasan at proteksyon laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ipinag-utos na kamakailan ng DOTr ang pagsusuot ng face shield sa mga sasakay sa pampublikong transportasyon upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments