Drug Den ,sinalakay ng PDEA BARMM, 5 arestado!

Lima katao ang naaresto ng PDEA BARMM katuwang ang ibang pwersa ng mga otoridad sa operasyon sa isang Drug Den sa bahagi ng Purok Krislam, Almonte Extension, Poblacion 2, sa Cotabato City.
Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin ang mga drug suspeks na sina THENG PAIDOWAMAMA RAKIM sinasabing Drug Den maintainer, NASSER BALABARAN ETO aka “Nas”; RADJID KAMPANG DAKULA alias “Zid”; AMERIL ALI KANSI aka “Padot” and JAYRALD GORY SABILE aka “Rens”; habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si BASCO RAKIM alias Basco na sinasabing incumbent Barangay Kagawad ng Poblacion 2.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 13 pirasong sachet ng shabu na nagtitimbang ng 15 gramo at may market value ng 102 K.
Nasa lock up cell na ng PDEA ang mga naaresto at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments