MGA FRONTLINERS SA MANGALDAN,PANGASINAN NAGHANDOG NG HOUSE RENOVATION

MANGALDAN, PANGASINAN – Isang senior citizen ngayon ang nag uumpaw ang saya na mula sa bayan ng Mangaldan sa Lungsod ng Pangasinan matapos handugan ng hindi lamang relief packs kundi may extra bonus pang house renovation. Si Tatay Alfredo B Soriano ay namataan lamang ng mga kapulisan na lulan ng lumang bisikleta kasama ang kaniyang sirang gitara habang nanghihingi ng tulong sa kahaban ng kalsada sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Dahil na rin sa malasakit ng mga kapulisan ay nagkusa ang mga ito na bisitahin si Tatay Alfredo upang iabot ang tulong na relief packs at financial support. At sa pag bisita ng mga ito ay mas lalo pang umantig sa kanilang puso ang totoong kalbaryo ng buhay ni Tatay Alferedo kasama ang kaniyang kapatid na si Nanay Milagrose Soriano na kapwa may sakit sa pag iisip.

Kaya naman isa sina Tatay Alfredo na hinandugan ng tulong sa pamamagitan ng programang “KAPWA KO, SAGOT KO” Program na linggo linggo isinasagawa ng ating nga kapulisan. Sa pinag sama samang pwersa ng kapulisan ng Mangaldan, Pangasinan, ilang BFP Personnel at maging ang ilang Barangay Representative ay naging matagumpay ang pagsasagawa ng house renovation ni Tatay Alfredo na labis niyang ipinagpapasalamat.


Samantala, sa panayam naman ng ifm dagupan kay Police Master Sg. Janice Bien inabot umano ng dalawang araw ang pagkukumpuni, paglilinis at pagsasa ayos ng bahay nina Tatay Alfredo na kung saan ay humigit kumulang nasa labing limang magigiting na indibidwal ang nagtulong tulong at nag ambagan upang maisakatuparan ang nasabing house renovation.

Sa huli ay nanawagan si Police Master Sg. Janice Bien na mas patibayin pa ang pananalig sa Diyos at wag mag atubiling tumulong kahit pa na anong estado ng iyong propisyon.

Facebook Comments