Asahan na ang tuloy-tuloy na suplay ng durian, mangosteen, lanzones at marang mula Mindanao patungong Metro Manila at iba pang urban areas.
Ngayon na kasi ang peak season ng durian sa Mindanao.
Sa virtual presser sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni Undersecretary for High Value Crops Program Evelyn Lavina na isang memorandum agreement ang nilagdaan ng mga fruit growers sa isang cargo forwarder.
Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang Durian Industry Association of Davao City na anim na beses itong maghahatid ng 15-tons ng mga prutas gamit ang eroplano patungo sa National Capital Region (NCR) at Baguio City.
Dahil sa kasunduan, hindi na mangangamba ang mga fruit grower na mabulok ang kanilang mga produkto ngayong harvest season.
Facebook Comments