Sofia Andres, balik showbiz na

25

Magbabalik showbiz na ang aktres na si Sofia Andres matapos manganak at maging full-time mom sa cute na cute na si Zoe Miranda.

Magiging parte si Sofia ng isang teleserye kung saan makakasama niya ang ilang bigating artista tulad nila Erich Gonzales, Carlo Aquino, JC De Vera at Kit Thompson.

Nabatid na ngayong taon lamang nang isinapubliko ng aktres ang kanyang anak kay Daniel Miranda mula nang manganak ito noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Taong 2018 pa mula nang huling gumawa ng project si Sofia.

Facebook Comments