Mga fully vaccinated na exposed sa COVID-19 positive na asymptomatic, hindi na kailangang mag-quarantine – DOH

Hindi na obligadong sumailalim sa quarantine ang mga indibidwal na ganap nang bakunado at nalantad sa nagpositibo sa COVID-19 pero asymptomatic o walang sintomas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, pinaiiral na ang nasabing patakaran alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) resolution sa mga lugar na nasa Alert Level 1.

Gayunman, ang mga closed contact aniya ay kailangan pa ring i-monitor ang sarili at kung makakaramdam ng sintomas ay agad na mag-isolate at ipagbigay-alam sa kanilang Local Government Unit (LGU).


Paliwanag naman ni Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvana na sa mga lugar na nasa Alert Level 1 ay mababa na ang risk o panganib ng hawaan ng COVID.

Dahil karamihan ay bakunado na, maliit na rin aniya ang tyansa na mahawa at makahawa ng virus.

Facebook Comments