Tinatapos pa ng Department of Health (DOH) ang kanilang gagawing mekanismo para matiyak na nabakunahan na talaga ang mga biyaherong papasok ng bansa.
Ito ay kasunod ng pagpapaikli ng quarantine period para sa mga inbound traveler na fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Matatandaang mula sa 14 na araw ay pinayagan na ng pamahalaan na hanggang 7 araw na lamang mamalagi sa quarantine facilities.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa pinag-aaralan nila ang pagkakaroon ng bilateral agreement sa ibang mga bansa.
Kasunod nito, aminado naman si Vergeire na nahihirapan silang gumawa ng sistema upang ma-verify kung nabakunahan na talaga ang mga papasok sa bansa na indibidwal.
Facebook Comments