Mga Fully Vaccinated sa Lambak ng Cagayan, Mahigit 1.9 Milyon na

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa mahigit 1.9 milyong indibidwal ang naka kumpleto na ng kanilang bakuna o fully vaccinated na kontra Covid-19 sa buong lambak ng Cagayan.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, kung saan mayroon nang 1,964,187 milyong katao sa rehiyon ang nabakunahan na ng second dose.

Karamihan sa mga nabakunahan ay mga nasa A4 priority group o ang mga economic frontliners na umaabot sa 479,954 individuals.

Base rin sa datos, nasa 93.72% na ang bakunado sa mga health workers o A1 priority group, 72.15% naman sa mga senior citizen o A2 priority group at nasa 91.87% naman sa mga comorbidities o A3 priority group.

Para naman sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 ay halos nasa 300,000 na ang nabakunahan at mahigit 11,000 dito ay may comorbidities.

Target naman ng Kagawaran na makapagbakuna ng kabuuang 2,609, 284 indibidwal sa buong rehiyon dos.

Facebook Comments