Anti-Cybercrime Group ng PNP, may security tips sa mga manggagawa na naka-work from home

95

Pinag-iingat ng Anti Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) ang maraming mga empleyado na naka-work from home dahil sa COVID-19.

Sa babala ng ACG, dapat mag-ingat ang mga empleyado sa mga cybercriminal.

Dahil dito, naglabas sila ang tips para sa mga naka-work from home:


1. Iwasan ang pag-click o pag-download ng mga attachment mula sa unknown sources
2. Gumawa ng mahirap hulaan na passwords
3. Mag-update ng anti-virus software
4. I-activate ang 2 factor authentication o dagdagan ang paraan ng pag-verify sa account
5. At tiyakin na protektado ang home router at Wi-Fi

Kung sakali namang mabiktima ng cybercrime, hinimok ng ACG ang publiko na magreklamo sa kanila.

Facebook Comments